Archive for the 5.myObj Category

rizal
(feat. rizal @ west covina)

.not a fan of rizal but i find it really disrespectful to place his monument on this side.
.just in front of the seafood city supermarket. they should have chosen a better place.

…in remembrance of his role…

.HAPPY INDEPENDENCE DAY.

Panatang Makabayan (ng aking kabataan)
Panatang Makabayan, Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan, ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
Makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan
Ng walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa.

Panatang Makabayan (ng bagong kabataan)
Panatang Makabayan, Iniibig ko ang Pilipinas
Aking lupang sinilangan, Tahanan ng aking lahi, Kinukupkop ako at
Tinutulungang upang maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang
Mamamayang makabayan, naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.

.bakit kaya iniba ang panata.sana ang awit ay di ibahin.

Lupang Hinirang
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.

Acts 17:26From one man he made every nation of men,
that they should inhabit the whole earth;
and he determined the times set for them
and the exact places where they should live.

.MISS KO NA ANG AKING LUPANG SINILANGAN.