
(feat. valerio, west covina)
.PANDESAL.
.pandesal=kwentuhan.
.di ako palakain ng pandesal kung ako lang mag-isa ang nag-aalmusal.
.nakakatamad din namang bumili sa kanto ng umagang-umaga, minsan mauubusan ka pa.
.kadalasan na lang, meron akong goldilocks dinner roll sa ref, isipin ko na lang hot pandesal.
.pero naging bahagi na ng aking buhay ang mumunting tinapay na to.
.high school sa maynila, meryenda ng barkada, sabay palaman ng mantikilya, kwentuhan.
.sa office, may hihirit ng pandesal, patak-patak, may kasamang reno liver spread, kwentuhan.
.eto na siguro ang pinakamurang meryenda na malilibre mo lahat ng kakwentuhan.
.sawsaw sa kape, subo, kwentuhan ulit.
.buti na lang may hot pandesal pa rin dito.
.pwede pa ring sumawsaw, sumubo, kwento, sarap.
Ecclessiastes 11:1 Cast your bread upon the waters, for after many days you will find it again.
.MISS KO NA ANG MATATABANG PANDESAL NG PAN DE MANILA.